Darna Inspired National Costume Ni Celeste Cortesi Usap-usapan!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


Labis na pinalakpakan ang kandidata mula sa Pilipinas para 71st Miss Universe pageant na ginanap sa New Orleans matapos inirampa ni Celeti Cortesi ang kanyang National Costume.

Sa natcos competition ng pageant, ang beauty queen ay nagsuot ng nakamamanghang Darna costume na dinisenyo ng kilalang Filipino designer na si Oliver Tolentino. 

Nagsuot din si Celeste ng creative headpiece at ilang metalwork accessories ni Jerome Navarro, base sa ibinahagi ng Miss Universe Philippines organization sa social media.

Habang inirampa ni Celeste ang kanyang Darna inspired costume, maririnig sa voice over, "Darna is the ultimate Filipina superhero and part of this country's pop culture. She transforms from an ordinary woman with the help of a white stone, standing up for those who cannot defend themselves. Have no fear 'cause Darna is here in the Philippines.”

Samantala, agad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing NatCos si Celeste Cortesi.

May mga natutuwa dahil sa wakas ay may kandidata na mula sa Pilipinas ang nagsuot ng inspired costume mula sa sikat na Pinay superhero na si Darna.

Subalit, hindi naman nawala ang mga umokray sa National Costume ni Celeste at sinabing tila mga junk ito sa naging National Costume noon ni Rabiya Mateo.

"Recycled part ata ng natcos ni Rabiya e. Yung hndi na nasuot ni Rabiya. Wala ata budget MUPh."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo