Star for All Seasons Vilma Santos, Nadapa Habang Nag-Iintro Sa Kanyang Vlog!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely


Labis na pinag-aalala ng Star For All Season na si Vilma Santos ang kanyang mga tagahanga ng bigla na lamang siyang madapa habang nag-iintro para sa kanyang Vlog.

Natalisod at nadapa sa lupa si Vilma Santos habang nagfi-film ng kaniyang vlog para sa pagdiriwang ng Bagong Taon, na mapapanood sa kaniyang sariling YouTube channel. Hindi niya napansin ang nakaumbok na lupa sa kaniyang nilalakaran.

Sa kabutihang palad hindi nagkasugat o nagka-sprain ang aktres-politiko. Sa katunayan, tila walang nangyari sa kaniya at nagtatatakbo’t nagtatatalon pa ito.

Kinunan ni Vilma ang kanyang vlog sa Funta Fuego sa Batangas kung saan ipinagdiwang nila ng mister na si Deputy House Speaker Ralph Recto at buong pamilya ang Bagong Taon.

Ipinakita sa kabuuan ng vlog ang masayang pagdiriwang ng kaniyang pamilya sa pagsulubong sa taong 2023.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo