Ion Perez, Pinakain Ng Mga Exotic Foods Si Vice Ganda!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


Pinatawa ni Vice Ganda, ang mga netizens matapos hilingin sa kanya ng kanyang asawa na si Ion Perez na kumain ng ilang exotic foods habang nasa isang restaurant sila.

Noong Martes, January 10, nag-upload si Ion ng bagong vlog sa kanyang YouTube channel habang nasa Pampanga sila. Sa simula ng vlog, ibinunyag ng It's Showtime host na matagal na nang huli siyang kumain ng exotic food.

"Pagpasok kasi namin, matagal na akong di nakakakain ng exotic food, last akong nakakain siguro 4 years," pahayag ni Ion.

Sa video, nagpasya si Ion na umorder ng palaka at kamaru. Ayon kay Ion na nakakain na siya nito noon at nakakain na rin siya ng ahas. Subalit, ayon sa kanya ay hindi pa nakakain si Vice ng mga ganitong pagkain.

"Hindi pa. First time niyang matitikman yung palaka at kamaru."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo