Herlene Budol, Sinabing Malabo Siyang Makaabot sa Top 5 ng Miss Universe!

Lunes, Enero 16, 2023

/ by Lovely


Agad na sinagot ni Herlene Budol ang isang netizen na nagkomento sa kanyang mensahe para sa kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nagbigay ng mensahe ang First Runner up ng Bb. Pilipinas 2022 na si Herlene Budol para kay Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi. Ipinahayag ito ni Herlene matapos mabigo ni Celeste na mapasama sa Top 16 ng nasabing kompetisyon.

"Celeste maganda ka pa din. We love you. Ako nga na budol e," pahayag ni Celeste.

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. May mga nagpapahayag ng pagsuporta sa dalawang beauty queens.

Subalit, agad na nakaaagaw ng pansin ang isang komento, kung saan sinabi nitong kung sakaling si Herlene sana ang isinabak sa Miss Universe tiyak na mapapasama ito kahit manlang hanggang top 5.

Agad itong sinagot ni Herlene at ipinahayag na malabo itong mangyari dahil kulang siya sa talino.

"Malabo bobo po ako haha."

Matatandaang tila nabudol si Herlene Budol sa Miss Planet International. Matapos ang sunod-sunod na aberya na kinaharap nila sa Uganda.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo