Bwelta Ni Lj Reyes at Lian Paz Laban Kay Paolo Contis

Martes, Enero 31, 2023

/ by Jerome

 

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagsasanib puwersa umano nina LJ Reyes at Lian Paz. Laban sa ama ng kani-kanilang mga anak na si Paulo Contis. Matatandaan naman na maraming kinakaharap na mga issue ang komedyanteng actor, isa na dito ang kamakailan lamang na napabalitang hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Hindi pa nga diyan natatapos ang issue dahil marami ang hindi nasiyahan sa kanyang panayam sa programa ni Boy Abunda. Hindi naman itinanggi ni Paulo Contis ang akusasyon ni Lian Paz sa kanya, na siyang ina ng kanyang dalawang anak na walang sustento na natatanggap ang mga bata mula sa kanilang ama. 

Sa panayam naman ni Boy Abunda inamin ni Paulo Contis na wala siyang ibinibigay na sustento sa dalawa niyang anak kay Lian Paz at ganon din naman sa anak niya kay LJ Reyes. Ang rason naman daw ni Paulo Contis kaya hindi siya nag bibigay ng sustento sa kanyang mga anak yun ay dahil iniipon daw niya ito upang maibigay sa kanila ng deretso kapag malalaki na ang mga ito.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang natuwa dahil sa pagsasanib puwersa nina LJ Reyes at Lian Paz, dahil panahon na daw ito upang mabigyan ng leksyon ang nasabing komedyanting actor, na pagkatapos na di umano nitong magka-anak ay nakikipag-hiwalay na ito sa babae hindi pa nagbibigay ng sustento.

Naging usap-usapan naman ang balitang pagsasampa ng kaso nina LJ Reyes at Lian laban kay Paulo Contis dahil sa hindi pagbibigay nga sustento sa mga anak nito.

Babala naman ng mga netizens kay Yen Santos na wag na wag daw ito magpapabuntis kung ayaw niyang iwanan din siya nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo