Jane De Leon, Nilinaw Ang Dahilan Kaya Hindi Natuloy ang Pasabog ni Regine Velasquez Sa Huling Bahagi ng Darna!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa buong social media platforms ang pagkakansela sa special apppearance sana na gagawin ni Regine Velasquez sa huling bahagi ng Darna.

Matatandaang ang itinuturong dahilan nito ay ang pag-iinarte umano ni Jane De Leon at ninais na double na lamang niya ang iharap kay Regine Velasquez.

Bagama't nagbigay na ng statement ang ang JRB Creative Production tungkol sa napurnadang guesting ni Regine Velasquez sa pagtatapos ng “Darna”, muli itong nabuksan  sa finale presscon ng serye noong, January 30.

Nakasaad sa official statement na ang totoong dahilan kaya napurnada ang pagiging guest Darna ni Regine ay dahil hindi nakakatagpo ang mga schedules nila ni Jane De Leon.

Nilinaw din ni Jane De Leon na hindi siya tutol sa mangyayaring guest appearance ni Regine Velasquez kaya lang hindi talaga maaring i-move ang kani-kanilang schedules dahil hindi sila pinayagan.

“Actually, for me, it was not an issue naman to begin with. Sadyang hindi lang talaga nagtugma ang schedule namin ni Ate Regs. I think it’s very normal naman sa mga artists. And ginagawa niya ‘yung rehearsal niya for her upcoming concert and that time din kasi, I had my endorsement shoots and shows. We try to adjust the schedules, sadyang hindi na talaga kami pinayagan,” paglalahad ni Jane De Leon.

Tila hindi naman totoo ang isyu na hindi gusto ng actress si Regine Velasquez dahil ipi-nopromote pa nito ang concert ng Asia's Song Bird na si Regine Velasquez.

“Guys, please don’t forget to support ate Regs sa upcoming concert niya on February 17, 18, 24 and 25, solo oncert ni ate Reg, thank you.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo