Rowena Guanzon, Kaaagad na Dinepensahan Ang Sarili! Wala Daw Siyang Kasalanan!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Kaagad na dinepensahan ng dating COMELEC Commissioner na si Rowena Guanzon ang kanyang sarili laban sa mga kumakalat na video ng panduduro niya sa isang lalaki gamit ang kanyang sungkod.

Makikita pa sa nasabing video ang paninigaw ng dating Commissioner. Sa caption ipinahayag ng uploader na pwede naman daw sana itong mag-excuse upang wala nang masaktan pa.

Samantala, kaagad na naglabas ng pahayag si Rowena Guanzon sa isang tweet at sinabing una siyang nasaktan ng lalaking lasing. Agad naman umano itong nag-sorry pero naka ngisi naman.

“Lasing sila naninigarilyo uminom sa sidewalk. Inapakan ang paa ko. sinaway ko sinigawan pa ako. Attempted to attack me. Had to defend myself with my walking cane to stop him kasi lumalapit baka sakalin ako ng gag*,” sagot ni Rowena sa isang Twitter user na nagtatanong sa totoong nangyari.


“Tingnan nyo ito mga hindi taga Cadiz maki fiesta pero pag lasing, violent na. This man attempted to attack me, pinigilan ng mga kasama nya. Yho de fruta ! Nag sorry pero naka ngisi ang lasing,” muling saad ni Guanzon sa isa pang tweet.


Matatandaang, kamakailan lamang ay inimbitahan pa ni Rowena Guanzon si Alex Gonzaga na magpunta sa kanilang Dinagsa Festival kung saan legal umano ang pamamahid ng pintura sa mukha. Pabiro pa nitong ipinahayag sa kanyang tweet na maghanda sa kanya ang aktres.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo