Ang Tunay na Dahilan Kung Bakit Natalo at Di Nakapasok sa Top 16 si Celeste Cortesi sa Miss Universe!

Linggo, Enero 15, 2023

/ by Lovely

 

Marami ang nagulat ng hindi man lamang nakapasok sa top 16 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 pageant na ginanap sa New Orleans.

Hindi lubos maisip ng lahat kung saan nagkamali ang pambato ng Pilipinas at kung ano ang dahilan kung bakit hindi kuminang ang ganda ni Celeste Cortesi sa nasabing pageant.

Matatandaan na mula pa noong 2010 hanggang 2021, palaging napapasama sa top o sa finalist ang Pilipinas. Sa katunayan, noong 2015 at 2018 itinanghan na Miss Universe ang kandidata mula sa bansa na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

May dalawang itinuturong dahilan kung bakit naligwak si Celeste Cortesi sa 71st Miss Universe pageant.

Una ay ang isinuot na evening gown ni Celeste Cortesi noong preliminary round ng Miss Universe. Bagama't maganda naman ang gown ay tila hindi nito naipalabas ang ningning at ganda ni Celeste. Napaka dull umano nito at patay pa ang kulay kaya hindi nito napalutang ang ganda at kaseksihan ni Celeste Cortesi.

Marami rin ang nagsasabi na ang gown na ito ay hindi nararapat na isuot ng kandidata para sa Miss Universe lalo na sa preliminary round kung saan namimili ang mga judges ng mga kandidata makakapasok sa final round.

Pangalawang dahilan ay ang closed door interview, hinuha ngayon ng ilang netizens na hindi naipakita ni Celeste ang kanyang galing at husay sa interview. Authenticity at magandang cause ang hinahanap ngayon ng pageant.

Sa pagbabago ng Miss Universe owner, tila nagbago na rin ang hinahanap nitong cause at personalidad ng isang babaee. Ito ang nararapat na muling mamaster ng Pilipinas.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo