Celeste Cortesi NAIYAK Dahil Hindi Man Lang NakaPasok sa TOP 16!

Linggo, Enero 15, 2023

/ by Lovely


Natapos ang Miss Universe journey ni Celeste Cortesi, nang hindi mapasama sa ang kanyang pangalan sa Top 16 ng prestigious pageant.

Marami sa mga Filipino fans ang hindi makapaniwalang maagang nagtapos ang journey ni Celeste. Karamihan ay dismayado sa kinalabasan ng 71st Miss Universe Pageant.

Maging ang ina at boyfriend ni Celeste Cortesi ay dismayado rin sa kinalabasan ng pageant. May mga nagsasabi pang tila niluto ang resulta ng nasabing kompetisyon. Makikita naman sa isang video clip na tila naiyak si Celeste Cortesi habang pabalik sa backstage matapos tawagin ang top 16.

Sadyang hindi nakakapaniwala ang karamihan dahil malaki ang kanilang paniniwala sa kakayahan ni Celeste Cortesi na makikita naman sa kanyang mga performances at mga sagot sa Q and A nitong nakaraan. Maging sa closed door interview ay ipinamalas din ni Celeste ang kanyang galing.

Kaya naman hindi lubos maisip ng ilang mga netizens kung bakit naligwak ito. Isa sa mga pinag-iisipang dahilan ng pagkakaligwak ni Celeste ay ang bagong may-ari ng Miss Universe.

Subalit may mga sumang-ayon naman sa pagkakaligwak ni Celeste dahil hindi umano naging maganda ang performance nito sa preliminary round ng pageant.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo