Ama ni Mccoy De Leon, Hiyang-Hiya sa Kinasangkutang Isyu ng Anak!

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na nabigyan siya ng pagkakataon na makausap ang ama ni Mccoy De Leon hinggil sa mga isyung kinakaharap nito ngayon.

Unang binanggit ni Ogie Diaz ang pagpirma ng kontrata ng babaeng nili-link kay Mccoy De Leon na si Mary Joy Santiago.

Kasunod nito ay ang pagbubulgar ni Ogie Diaz na kamakailan lamang ay nakausap umano niya ang ama ni Mccoy De Leon.

"Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Elisse at ni McCoy, kung ano ang mga naunang pahayag ni McCoy ay yun pa rin ang kanyang panig. Samantalang si Mark de Leon, yung tatay ni McCoy na kaibigan ko, si Mark. Eh sabi ni Mark, 'Pasensya na Boss Ogs, sa ngayon, di po ako makakapagsalita. Hiyang-hiya ako sa nangyari, pasensya na po,'" pagbabahagi ni Ogie Diaz.

Sa opinyon naman ni Ogie Diaz masasabi niyang tila may kasalanan talaga si Mccoy dahil hiyang-hiya ang ama nito.

Subalit, hindi pa umano masasabi ito dahil hindi pa naman ibinunyag ng dating magkarelasyon na sina Mccoy De Leon at Elisse Joson ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo