Lolit Solis, May Isyu sa Ina ni Herlene Budol?

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng kanyang saloobin ang veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa aktres at beauty queen na si Herlene Nicole Budol.

Ayon kay Manay Lolit Solis, may potential na maging big star si Herlene Budol dahil nakikita niya rito ang lahat ng katangian ng isang star.

"Meron siyang aura at confidence kaya may magic ang personality niya. Malakas ang kanyang appeal at mabilis ang pick up sa mga comedic situation," pahayag ni Lolit Solis.

Sa tingin umano nito ay magiging isang comedienne queen si Herlene kung maging professional lamang siya sa kanyang trabaho at kung makikisama siya ng maayos sa kanyang mga katrabaho.

Subalit, tila hindi gusto ni Manay Lolit Solis ang ina ni Herlene Budol dahil baka ito pa umano ang magiging dahilan ng pagbagsak niya o maging isang hadlang para sa kanyang pag-abot sa tagumpay.

"Huwag na lang isali pa ang mother niya sa kanyang showbiz career, baka ito pa ang maging hindrance sa kanya. Siya na lang ang ibenta at huwag ng kasali pa ang mother niya."

"Ngayon na kailangan ang mga bagong mukha, isa si Herlene Budol sa may pag asa maging bagong star. Palagay mo Gorgy at Salve, agree? Bongga," dagdag pang hirit ni Lolit Solis.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo