Alex Gonzaga, Super Proud sa Achievement Nila ng Kanyang Ate, Kahit Hindi Artistahin Ang Kanilang Mukha!

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng TV host-actress na si Alex Gonzaga ang aniya'y bonggang achievement ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.

Ngayong taon ay ipagdiriwang ni Toni ang kanyang 20th year sa entertainment industry. Kaya naman may pa-throwback picture si Alex Gonzaga noong panahong wala pa sila sa mundo ng showbiz ng kanyang ate.

Ayon kay Alex Gonzaga, parang kailan lang noong pareho pa lang silang nangangarap na maging bahagi ng showbiz pero ngayon nga ay nagdiriwang na ang ate niya ng ika-20 taon sa pagiging artista, TV host at content creator.

Pagbibiro pa ni Alex, sino raw ba ang mag-aakalang maging artista sila gayung hindi naman sila artistahin ng kanyang kapatid.

Nag-post si Alex ng isang throwback photo nila ni Toni sa Instagram na kuha raw sa isang photo studio sa mall na palagi nilang pinupuntahan noon.

"Hi ate, sino kaya makakapagisip sa atin nitong mga panahon na after school nagpapapicture tayo sa studio sa mall na aabot ka ng 20 years sa showbiz industry. Hindi man tayo mukang artistahin hihihihih pero dahil sa talent, galing, faith at pagpupurisigi nyo ng mga daddy naabot mo ang milestone na to. We are sooo proud of you!! Magkikita kita tayo sa jan 20 sa araneta!!! Masaya to!!! See you all there!"

Nauna nang ibinahagi ni Toni na ang kanyang gaganaping concert ay ang magsisilbing celebration sa kanyang 20th Anniversary sa showbiz at ang kanyang kaarawan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo