Aljur Agaw Eksena Ang Dance Sa Kasal Ni Vin Abrenica and Sophie Albert Wedding!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Ilang araw matapos ang kanilang church wedding, isinagawa naman ang garden wedding nina Vin Abrenica at Sophie Albert.

January 26 isinagawa ang isang intimate wedding sa pagitan nina Vin Abrenica at Sophie Albert sa Mary Help Christian Parish sa Paranaque, City. Sinundan naman nila ito ng isang bonggang garden wedding sa Tagaytay na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.

Ilang taon na rin silang nagsasama bilang magpartner, biniyayaan na rin sila ng isang anak na babae na malapit nang magdalawang taon.

Samantala, inaliw naman ng performance ng mga groomsmen na kinabibilangan ni Aljur Abrenica ang mga guests. Makikita sa nasabing performance ang todo bigay na pagkembot ni Aljur Abrenica na siyang kinatuwa ng lahat.

Maging si Aljur ay makikitang nag-eenjoy sa kanilang dance number.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo