Kris Aquino Nakakaantig Na Video Nang Pagpasyal Nila Sa Disneyland! Kris Muntik Pa Matumba!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Natupad ni Kris Aquino ang kanyang pangako sa anak na si Josh na mag-explore ng Disneyland Park. 

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Kris Aquino ang dalawang minutong video na pinagsama-samang mga larawan at clips nila ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby, habang nag-e-enjoy sa nasabing theme park. 

Makikita rin sa video na sinubukan pa ng Queen of All Media na sumakay ng ilang rides kasama ang kanyang mga anak.

“Promise fulfilled… Because i gave kuya Josh my word,” pahayag ni Kris sa caption.

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ngayon ni Kris Aqquino dala ng kanyang komplikadong kondisyon, tinupad pa rin niya ang kanyang pangako para sa anak. Makikita pa sa video na palaging nakahawak si Kris sa kanyang anak na tila ba kumukuha ng suporta.

Agad namang naantig ang damdamin ng ilang mga netizens sa ipinapakitang pagpapahalaga ni Kris sa kanyang anak, lalong-lalo na kay Josh na alam naman ng lahat na may espesyal na pangangailangan.

"This video made me cry. You really are a woman of your words, Ms. Kris! So happy to see u bond with your BOYS & eventually slowly recovering. Praying for you, always!" 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo