Kuya Will Binunyag Na Itinakwil Na Siya Ng Isang Anak!

Linggo, Enero 29, 2023

/ by Lovely


Ipinagdiriwang ng Wowowin host na si Willie Revillame ang kanyang ika-62 na kaarawan noong January 27, 2023.

Isang masayang pagdiriwang ang kanilang pinagsaluhan sa loob mismo ng Will Tower na pagmamay-ari ni Willie Revillame kasama ang ilang mga malalapit na kaibigan. Muling ipinamalas ng TV-host ang kanyang mga talento sa paggamit ng mga drums.

Matatandaan na bago paman sumikat at maging TV host si Willie Revillame ay naging drummer muna siya sa isang banda.

Sa kanyang speech ipinahayag ni Kuya Will ang kanyang pasasalamat sa mga dumalo at nakisaya sa kanyang kaarawan. Ipinahayag pa ni Kuya Will na may isa siyang anak subalit tila itinakwil na umano siya nito.

Gayunpaman, tila hindi naman nagdamdam si Willie at handa pa ring tanggapin ang anak dahil galing umano sa kanya ito.

Nag-alay naman ang ilang mga awitin ang mga kaibigan ni Kuya Will upang mas pasayahin pa ito sa kanyang kaarawan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo