Alex Gonzaga, Magso-sorry Kaya sa Waiter Kung Hindi Nagtrending?

Huwebes, Enero 19, 2023

/ by Lovely


Muling naging laman ng usapan ni Manay Cristy ang isyung kinakaharap ngayon ni Alex Gonzaga, patungkol sa waiting na pinahiran niya ng cake icing sa mukha.

Prangka ang naging reaksyon ng beteranong showbiz columnist sa paghingi ng tawad ni Alex sa waiter na sangkot sa isyu. Sa kanilang usapan, hindi naiwasang kwestyunin ni Cristy ang paghingi ng tawad ni Alex sa waiter.

“Ito lang ang tanong, kung hindi ka ba nag-trending, kung hindi ka ba kinalaban ng halos lahat ng ating mga kababayan diyan sa ginawa mong 'yan, maiisip mo ba na manghingi ng sorry?” pahayag ni Cristy Fermin.

“Maraming beses ka nang may ginagawang kasalaulaan sa mga vlogs mo, sa mga ginagawa mo sa trabaho mo, hindi ka nanghingi ng sorry pero kailangan,” dagdag pa nito.

Inalala pa ni Manay Cristy ang ilang mga kamaliang ginawa ni Alex noon subalit ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin.

“Marami na pong pinakawalan at pinalusot ang ating mga kababayan sa kanyang mga ginagawa. 'Yung tungkol kay Heart Evangelista, nag-imbe-imbento siya na sila daw ay ini-snub sa Paris, sila ni Dra. Vicki Belo tapos ay binawi. Okay lang po 'yan, pinalusot po 'yan.

“Marami pang iba. 'Yung paggawa niya ng biro sa kanyang mga magulang sa mga vlogs niya, hindi rin po 'yun hinihingi ng panahon sa isang lipunan na humihingi ng respeto ng anak sa magulang, lumusot yan.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo