Cristy Fermin Sinabing Walang Pinagkatandaan si Alex Gonzaga! Bast0s Pa rin!

Martes, Enero 17, 2023

/ by Lovely


Nakakatanggap ngayon ng backlash sa social media ang actress-vloger na si Alex Gonzaga dahil sa isang viral video na kuha mula mismo sa kanyang 35th birthday celebration.

Makikita sa video na pinahiran ni Alex Gonzaga ng ilang frosting mula sa kanyang birthday cake ang noo ng isang lalaki na tila waiter. 

Agad namang nagbigay ng prangkang saloobin si Cristy Fermin sa trending na video ni Alex Gonzaga. Sa latest episode ng kanyang programang Cristy Ferminute ipinahayag ni Manay ang kanyang maanghang na mensahe para sa aktres.

“Hindi pupwede nating ginagawang laro ang buhay, Alex. Hindi lahat makikisakay sa laro mo. 35-anyos ka na pero wala ka pa ring pinagkatandaan. 'Yun lang 'yun. 35 years old ganyan, ganyan ang kilos. Hindi tama 'yan.”

Maging ang vlogs ni Alex ay kinomentuhan din ni Cristy Fermin.

“Akala kasi niya, aliw na aliw sa kanya ang lahat ng nanonood ng vlog niya. Hindi, wala lang sigurong masabi. Nu'ng una kinatutuwaan siya pero ngayon, kinatutuwaan pa ba siya ngayon? Hindi na, malaki na ang pagkakaiba. 'Yun ang malinaw do'n." 

Muli din niyang pinaalalahanan si Alex at binigyan ng payo.

"Habang tumatagal ang panahon, habang tayo'y nagkakaedad, dapat iniipon natin, pinupulot natin ang mga leksyon ng buhay na ating nadadaanan."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo