Wilbert Tolentino, Gumastos Ng Milyones Sa Pagpunta Ng Buong Team Nila Herlene Sa Uganda!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


Sa isang panayam ibinahagi ng talent manager ni Herlene Nicole Budol na si Wilbert Tolentino kung gaano kalaki ang kanyang ginastos sa pagpunta ng buong team nila ni Herlene sa Uganda para sa naudlot na Miss Planet International.

Ayon kay Wilbert Tolentino umabot sa milyones ang kanyang gastos sa Uganda dahil sa umabot sa 50 katao ang buong team nila ni Herlene. Dahil nakakuha na umano sila ng ticket, ipinasyal na lamang ni Wilbert ang mga ito sa Uganda.

Sinagot din ni Wilbert Tolentino ang katanungan kung bakit handa siyang gumastos ng malaki para kay Herlene Budol. Ayon sa kay Wilbert, ang kanyang ginagawa ay para sa karangalan ng bansa.

Ipinahayag din niya na nagbabalak siyang isali si Herlene sa Ms. Grand. Subalit, pinag-iisipan pa umano niya ito sa ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo