Herlene Budol, Nanlalagas ang mga buhok dahil sa Stress na Pinagdaanan sa Uganda!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


Sa isang panayam, ibinahagi ng Bb. Pilipinas 2022 First Runner Up na si Herlene Nicole Budol ang epekto ng pinagdaanang stress na dala ng mga aberya sa Miss Planet International.

Ayon kay Herlene labis siyang naapektuhan sa mga pinagdaanan sa Uganda. Sa isang panayam, inamin pa ni Herlene na nagkaroon siya ng alopecia.

Ang Alopecia ay isang condition kung saan nakakalbo ang isang parte ng ulo.

Agad na din umano siyang nagpatingin sa doktor, ang pangunahing sanhi umano ng kanyang kondisyon ay ang pinagdaanang stress.

Pinakita rin ni Herlene sa panayam niya sa GMA reporter na si Nelson Canlas ang parte ng kanyang ulo na nalalagasan ng buhok.

Isa sa nagdulot ng labis na stress kay Herlene sa Uganda ay ang paghabol sa kanya ng pulis kung saan inakala niyang magtatapos ang kanyang buhay. Maging ang biglaang pagsali niya sa Bb. Pilipinas ay nagdulot din ng stress sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo