Ogie Diaz, Inalmahan Ang Komento ng Netizen Tungkol Sa Kanyang Pamilya!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


Tila hindi na nakapagpigil pa ang talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz, sa mga komento ng kanyang mga bashers na kaya lamang siya nag-anak ay upang may mag-alaga sa kanya sa pagtanda.

Ipinaliwanag naman ni Ogie na taliwas rito ang kanyang dahilan kaya siya nagkaroon ng pamilya.

“Nag-anak ako kasi, gusto ko. Kasi, masaya ang may pamilya. Masarap na may matawag akong pag-aari ko kasi anak ko sila. At mas masarap isipin na ang goal ko ay ako pa rin ang aakay sa kanila kahit otsenta na ako,” paliwanag ni Ogie Diaz.

Ibinahagi rin ni Ogie na may nakalaan siyang ipon para sa kanyang pagtanda. Nais din umano niyang ma-enjoy ng kanyang mga anak ang buhay single bago nila pasukin ang buhay may-asawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo