Vhong Navarro Ipinahayag Ang Pinakamasayang Pasko Matapos Pansamantalang Makalaya!

Linggo, Disyembre 25, 2022

/ by Lovely


Sa unang pagkakataon matapos mabigyang ng pansamantalang kalayaan, nagbigay ng update ang actor-host na si Vhong Navarro sa kanyang sariling Instagram account.

Ibinahagi ni Vhong Navarro ang larawan niya kasama ang kanyang mga anak at asawa. Makikita rin sa nasabing larawan ang ilan pang mga mahal sa buhay ng aktor.

"Napakarami kong pinagpapasalamat… Thank you, Jesus! Happy Birthday!" mababasa sa caption ni Vhong Navarro sa kanyang Instagram post.

Labis ding nagpapasalamat si Vhong Navarro sa lahat ng nagdasal at sumuporta sa kanya sa kasong kinakaharap na isinampa ni Deniece Cornejo.

"Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin. maraming maraming salamat. God bless!"

Ipinahayag din ni Vhong Navarro na maituturing niyang pinakamasayang pasko ang kanilang selebrasyon ngayon dahil sa mga answered prayers. Matatandaang, inakala ng lahat na sa bilanguan siya magpapasko ngayong taon.

"Blessed Christmas sa ating lahat! Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo