Mariel Padilla Isiniwalat na 'No Handa' Nothing sila Sa Noche Buena!

Linggo, Disyembre 25, 2022

/ by Lovely


Ginulat ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez Padilla ang mga netizens ng isiniwalat nito sa kanyang social media account na hindi siya naghanda ng kahit ano para sa kanilang Noche Buena sa taong ito.

Matatandaang noong nagdaang mga taon palaging pinaghahandaan ng TV-host actress ang kanilang magiging Noche Buena. Subalit sa kanyang latest social media post inamin ni Mariel na 'no handa' sila para sa Noche Buena ngayong taon.

Wala naman umanong problema dahil marami pa rin silang pagkain mula sa ibinibigay ng kanilang mga kaibigan. Agad din naman itong pinasalamatan ni Mariel.

Hindi naman sinabi ni Mariel sa kanyang Instagram stories ang naging dahilan kung bakit hindi siya naghanda ng Noche Buena para sa kanilang pamilya.

"This year, no handa, zero, nothing. Hindi na ako nag-prepare but would like to thank those who sent food for our Noche Buena tonight. Thank you. Yung mga padala, yun ang Noche Buena," mababasa sa Instagram stories ni Mariel.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo