Kris Aquino Hindi Pa Makakauwi sa Bansa, Mag-eextend sa Pagpapagamot sa Amerika!

Linggo, Disyembre 25, 2022

/ by Lovely


Nagbahagi ng health update ang Queen of All Media na si Kris Aquino, nitong araw ng kapaskuhan.

Mahigit anim na buwan na ang nakakalipas nang magpunta ang Queen of All Media kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby sa US upang doon ipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot. Sa kanyang socila media post ibinahagi ni Kris Aquino na nag-file siya ng mga kinakailangang papeles para ma-extend ang kanilang pananatili sa Amerika. 

Gayunpaman, kailangan pa umano niyang maghintay ng dalawa hanggang tatlong buwan bago maaprubahan ang kanyang extension. 

Tungkol naman sa kanyang kalusugan, nakikipaglaban pa rin ni Kris Aquino ngayon sa kanyang apat na autoimmine disorder, dalawa sa mga ito ay mga life threatening. Maaari rin siyang magkaroon ng ikalimang autoimmune disease batay sa kanyang mga unique physical symptoms. 

Magpapasailalim si Kris Aquino sa unang cycle ng kanyang immunotherapy treatment, na aabot hanggang 10 buwan bago makumpleto. Ayon kay Kris, ang nasabing paggamot ay gumagamit ng parehong gamot gaya ng chemotherapy ngunit may mas mababang dosage na kumakalat sa mas mahabang panahon.

Sa huli pinapasalamatan ni Kris Aquino ang lahat ng mga taong patuloy na nagdadasal para sa kanyang kalusugan. Binati rin niya ang lahat sa isang Merry Christmas.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo