Song Joong-Ki Ipinakilala Na Ang Bagong Gf Na British Actress!Ipinalit Kay Song Hye Kyo!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang bagong lovelife ng South Korea actor na si Song Joong-Ki matapos ang tatlong taong divorce sa South Korean actress na si Song Hye Kyo.

Kinumpirma mismo ng agency ng aktor na officially dating na si Song Joong-Ki at isang British woman.

“Actor Song Joong Ki is currently seeing a woman with positive feelings,” pahayag ng agency ng aktor.

Nakikiusap naman silang tanggapin ng maayos ng mga fans ang balitang ito at iwasan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Nag-ugat ang mga spekulasyon na may bagong girlfriend si Song Joong-Ki matapos makitang may isinama itong babae sa Singapore para sa promotion ng kanyang series na Reborn Rich.

Hindi naman umano ikinaila ng aktor ang kanyang girlfriend at ipinakilala pa sa mga staff.

May mga usap-usapan ngayon na ang bagong girlfriend ni Song Joong-Ki ay ang British actress na si Katy Louise Saunders.

Nagkakilala umano ang dalawa dahil ang babae ang isa sa mga nagturo kay Song Joong-Ki ng French noon sa series nitong  Vincenzo.

Matatandaang unang nagpakasal si Song Joong-Ki kay Song Hye Kyo noong 2017 sa isang private wedding. Matapos ang dalawang taon ay inamin ng dalawa ang kanilang desisyon na mag divorce.

Marami naman sa mga fans ng Song-Song Couples ang tila hindi natanggap na kailanman ay hindi na magbabalikan pa ang dalawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo