Liza Soberano at Enrique Gil Natuloy Ang Hiwalayan?

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Muling naungkat ang usaping hiwalayan ng celebrity couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil sa hindi nila pagsasamang pagdiriwang ng pasko.

Kung pagbabasehan ang Instgram post ni Liza Soberano, makikitang kasama ng aktres ang kanyang pamilya sa Amerika.

Samantalang, wala namang update na magkasama silang dalawa sa social media account ni Enrique Gil.

Nauna nang inintriga ang dalawa noong lumipat si Liza sa pangangalaga ni James Reid upang tuparin ang kanyang pangarap sa Hollywood. Mula noon ay nag-ugat na ang usaping nagkakalabuan na ang dalawa.

Agad namang natahimik ang balitang hiwalayan nila nang kumalat ang mga larawang magkasama sa isang beauty clinic.

Subalit, dahil sa hindi nila pagsasamang magcelebrate ng pasko ngayong taon naisip ng ilang mga netizens na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa. Makikitang karamihan sa mga celebrity couples ay magkasamang nagdiwang ng pasko.

Kaya labis na pinagtaka ng marami ang hindi pagsasama ng dalawa. Samantalang, hinihintay naman ng lahat ang magiging pahayag ng dalawa ukol sa isyung ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo