Mariel Rodriguez Pinagtatawanan Dahil sa Maling Prediksyon sa Mag-uuwi sa Best Actor and Actress Awards sa MMFF!

Miyerkules, Disyembre 28, 2022

/ by Lovely


Muling binalikan ng ilang mga netizens ang naging prediksyon ni Mariel Rodriguez kung sino ang tatanghaling Best Actror and Best Actress sa Gabi ng Parangal ng MMFF.

Ayon kay Mariel, sina My Teaacher stars na sina Toni Gonzaga at Joey De Leon ang mapapangaralang Best Actress at Best Actor.

Subalit sa katatapos lamang na Gabi ng Parangal ay isang minor awards lamang ang naiuwi ng My Teacher.

Kaya naman pinagkakatuwaan ng ilang bashers si Mariel at sinabing tila na expectation vs reality ito.

Sa Gabi ng Parangal itinanghal sina Nadine Lustre bilang Best Actress at Ian Veneracion bilang Best Actor. Tanging “Gender Sensitivity Award” lamang nasungkit ng pelikulang My Teacher.

Dahil dito sinasabing, pasimpleng kunsintidor si Mariel Rodriguez sa kanyang kaibigang enabler umano.

Matatandaang nauna nang binatikos ang pelikulang My Teacher na pinangungunahan nina Toni Gonzaga at Joey De Leon dahil sa pangungulilat at nilalangaw umano ito sa mga sinehan.

Sa ngayon nangunguna ang pelikulang Deleter ni Nadine Lustre sa takilya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo