Pelikula ni Toni Gonzaga Hindi Sinuportahan ng Million Followers!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Hinahanap ngayon nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika ang mga followers ng aktres na si Toni Gonzaga matapos ang low ticket sales sa pelikula nitong entry sa MMFF 2022.

Sa latest episode ng Cristy Ferminute, naging laman ng usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika ang mahinang bentahan sa ticket para sa pelikulang My Teacher na pinagbibidahan ni Toni Gonzaga kasama si Joey De Leon.

“Kamusta naman si Toni Gonzaga? Hinahanap ngayon ng mga kababayan natin ang kanyang milyun-milyong subscribers at followers sa YouTube,” pagbabahagi ni Cristy Fermin.

“Bakit daw walang nangyari? Bakit hindi nag-translate sa takilya?” dagdag pa ng columnist.

Gayunpaman, ipinunto naman ni Cristy  Fermin na baka ay mga busy lamang ang mga supporters ni Toni kaya hindi pa nanonood ng pelikula. O di kaya ay umuwi sa kani-kanilang probinsya. Baka raw ay sa mga susunod na araw ay hahabol naman sila sa panonood.

“Hinahanap po ngayon. Malay naman po natin baka sa mga susunod na araw ay magpuntahan naman po at dumayo sa mga sinehan ang mga tagahanga, tagasuporta ni Toni Gonzaga. Baka naman busy busy lang, nag-uwian ng probinsya baka pagbalik ng Maynila, 'yun na.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo