Jake Cuenca Naki-usap sa mga Manonood na Tangkilikin Ang Kanilang Pelikula!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Nakiusap ang Kapamilya actor sa kanyang mga fans at tagasuporta matapos ma-label bilang R-18 ang kanilang pelikula na isa rin sa mga entry ng MMFF 2022.

Dahil sa pagiging R-18 ng kanilang pelikula mapapanood lamang ito sa piling malls sa buong bansa.

“R18 po Kami at Hindi rin po Kami ipapalabas sa SM Kaya nakikiusap po ako sa Inyo to please help us spread the word and give our film a chance.” hiling ni Jake Cuenca.

Ipinaabot naman ni Jake Cuenca ang kanyang pasasalamat sa mga taong nanonood at tumangkilik sa kanilang pelikula. Labis din umano niyang na-appreciate ang mga taong nag-iwan ng review at komento sa  pelikulang My Father, Myself.

“From the bottom of my heart thank you po sa lahat magagandang reviews that have already come out about our film #myfathermyself. magkita kita po tayo sa sinehan ngayon pasko at suportahan po natin lahat ng pelikula ngayon #mmff22 . Merry Christmas guys."

Kaagad naman nagbigay ng komento ang kanyang mga tagahanga na dismayadong hindi mapapanood ang pelikula dahil sa pagiging R-18 nito.

"Oh my petition for this. bakit Naman ganoon ..alam Kong this is something na kailangan ma-witness at eye-opener Ng iba ...praying na maisama ito sa list"

"Am being a senior praying for your continuous excellence in your craft. God Bless you and your family"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo