Ogie Diaz, Binasag na Ang Katahimikan Tungkol sa Isyu ng Bea-Jhon Lloyd Reunion Movie!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag si Ogie Diaz hinggil sa naging pahayag ni Bea Alonzo, kung saan tinawagan umano niya si John Lloyd Cruz at pinabulaanan nito ang kumakalat na balitang hindi raw niya alam na may reunion movie sila.

Matatandaang, ipinahayag noon ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang vlog na may nakausap silang source na pinagsabihan umano ni Jhon Lloyd na wala itong alam na may upcoming movie sila ni Bea Alonzo under Star Magic sa susunod na taon.

Nang makarating ito kay Bea Alonzo ay kaagad umano nitong tinawagan si Jhon Lloyd at tinanong kung totoo bang pinabulaanan nito ang kanyang sinabi sa press con ng Start Up PH na magkakaroon sila ng reunion movie.

“May mga lumalabas na, sinabi raw ni John Lloyd na fake news yung… yung movie namin! Siyempre tinawagan ko siya agad… dahil magkaibigan naman kami, tinawagan ko siya, and he denied that he said that, so…” pagpapahayag ni Bea.

Samantala, nagbigay na ng pahayag si Ogie Diaz matapos siyang pasaringan ng ilan hinggil sa nauna niyang ibinalita sa kanyang vlog.

“Eh kung sinasabi ni John Lloyd na wala siyang sinasabing ganoon, eh ano namang magagawa ko? “Di ba? Alangan namang pilitin ko si John Lloyd, ‘John Lloyd sinabi mo ‘yan!'” pahayag ni Ogie Diaz.

Tinanong din umano ni Ogie Diaz si Rambo Nunez, ang fiance ni Maja Salvador, na isa ring co-owner sa Crown Artist Agency kung matutuloy ba ang nasabing movie reunion.

Ayon sa ipinakitang screenshot ni Ogie sinagot siya ni Rambo ng, “We don’t know yet from our end coz we haven’t reached that stage.”

Sa huli ipinahayag ni Ogie Diaz na handa siyang humingi ng paumanhin kay Bea kung sakali mang matuloy ang movie nila ni Jhon Lloyd sa susunod na taon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo