Lolit Solis Napansin Ang Pagbabago Ng Itsura ni Pres. Bongbong Marcos!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


Muling nagbigay ng kanyang opinyon si Manay Lolit Solis hinggil sa work ethics ni Pangulong Bongbong Marcos. 

Ayon kay Manay Lolit Solis napansin umano niya ang malaking ipinagbago sa itsura ng pangulo ilang buwan matapos mahirang bilang pangulo ng bansa. Naniniwala din umano siya na dahil sa daming trabaho at responsibilities ang nagiging sanhi nito.

Gayunpaman, labis niyang hinangaan ang pananatiling sweet nito sa kanyang First Lady na si Liza Marcos.

“Kung nanunuod ka ng TV Salve mula pa nuon hangga ngayon makikita mo malaki ang nabago sa hitsura ni PBBM. Nuon una kasi, ang cute cute niya at mukhang batang bata. Pero mula ng maging Presidente si Papa Bongbong Marcos parang tumanda at ang laki ng ipinagbago ng hitsura. 

“Talaga siguro ang bigat ng trabaho na maging Presidente ka at leader ka ng isang bansa. Ang daming problema, ang dami ng dapat ayusin. Ang hindi nawawala iyon parang ang sweet sweet nila ni First Lady Liza Marcos. Kahit saan okasyon makita mo sila talagang parang ingat na ingat siya kay FL Liza, talagang sobra ang alalay niya para dito," pahayag ni Manay Lolit.

Inilarawan din niya si PBBM bilang isang workaholic na pangulo at ginagawa ang lahat para sa bayan kasama ng buong administrasyon.

Kaya naman nanawagan si Manay Lolit sa publiko na suportahan ang pangulo sa pagpapa-unlad ng ating bansa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo