Nadine Lustre at Heaven Peralejo magiging Magkaribal sa MMFF Best Actress Awards!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang dalawang stars na bida sa kani-kanilang pelikula sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival na sina Nadine Lustre at Heaven Peralejo, na parehong nagpamalas ng kani-kanilang galing.

Ayon sa ilang mga netizens, malaki ang posibilidad na ang dalawa ang siyang maglalaban sa pagsungkit ng Best in Actress awards.

Kaagad na nagtrending si Nadine Lustre matapos magbukas ang MMFF nitong kapaskuhan dahil sa kanyang pelikulang Deleter na naghatid ng ilang emosyun sa mga manonood.

Labis din nilang hinangaan ang galing ni Nadine sa paggawa ng isang horror-thriller film. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa si Nadine ng ganitong genre ng pelikula.

Matatandaang, sa paglabas pa lamang ng trailer sa pelikula nila Heaven Peralejo at Ian Veneracion ay nagkaroon na ng samu't-saring komento ang mga netizens sa role na ginampanan ng aktres. Ito din ang unang pagkakataon na gumanap sa isang maharot na role si Heaven. Kinainisan pa ng ilang mga netizens ang pagiging super close ni Heaven kay Ian.

Sa ngayon ay inaabangan ng mga netizens kung sino ang tatanghaling Best In Actress awards at kung sino-sino ang hahakot ng awards sa Gabi ng Parangal na kadalasan ay ginagawa sa katapusan ng buwan ng December.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo