Nadine Lustre Hinangaan Dahil Sa Galing Ng Pagganap Sa 'Deleter'!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


Umaani ngayon ng kaliwa't-kanang papuri ang actress na si Nadine Lustre, ang buong cast ng “Deleter” at ang mismong palabas nakaka-stress umanong  sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Sunod-sunod naman itong ipinagmalaki ng verified Facebook page ng aktres ngayong Linggo kasunod din ng ilang sold-out tickets sa showing nito sa ilang mga sinehan sa bansa.

"Isa ito sa mga eksenang hinding-hindi ka pakakalmahin.

'Wag magpahuli.

'Wag manood mag-isa. Magsama ka ng makakasama sumigaw sa sinehan." caption ng verified Facebook account ni Nadine sa post na nagpapakita ng mga komento ng netizen.

Agad ding nagpahayag ng kani-kanilang opinyon ang mga netizens na nakapanood sa nasabing palabas.

Ayon sa kanila, “wild,” “stressful,” at “kakaiba,” kaysa sa mga tipikal na horror films sa bansa ang hatid ng Deleter.

"Yung scare vibe ng movie parang Yung movie ni Gong Hyojin na doorlock grabe din gulat factor dun," komento ng netizen.

"Kabog yung mga scene legit yung sigaw," dagdag naman ng ilang mga netizen.

Kabilang sa umaani ng mga papuri ay ang iba pang kasamahan ni Nadine Lustre sa pelikula na sina Mccoy De Leon at Louise delos Reyes. Labis ding hinahangaan ang galing ng director na si Mikhail Red.

Samantala, wala pa ring inilalabas na data kung magkano ang kinita ng Deleter sa ilang araw.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo