Dennis Padilla Muling Dinedma ng Mga Anak na Barretto Siblings!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


Muling nagpahayag ng mga pagbati ang aktor na si Dennis Padilla sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, Leon at Dani kalakip ang sunod-sunod na throwbacks photos ng mga ito.

Subalit, tila ni isa sa mga ito ay hindi man lang sumagot sa mga pagbati ni Dennis at binalewala lamang ng mga ito.

Kaya naman, may ilang mga netizens ang nakikisimpatya at naawa na naman kay Dennis dahil sa patuloy na pambabalewa ng mga anak nito.

“Kawawa naman si sir dennis greet ng greet deadma lang ng mga anak niya..wala man lang reply sa kanya. Godbless po sir dennis naway kayo po bigyan ng marami blessings ni God,” komento ng netizen.

Samantalang makikita sa Instagram post ni Marjorie ang pagflex nito sa kanilang kumpletong larawang mag-iina. Maging sa Instagram account ni Julia ay ibinahagi rin nito ang larawan ng kanilang selebrasyon kasama ang pamilya.

Matatandaang, naging mainit na usapin noon ang pag-aalma ni Dennis Padilla sa open letter ng anak na si Leon Barretto matapos sabihin ng huli na palagi na lamang silang pinapahiya ng kanilang sariling ama na si Dennis Padilla.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo