Lovi Poe Nagreklamo sa Grab Delivery, Para Daw Tsismis!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon ang tweet ng Kapamilya actress na si Lovi Poe tungkol sa isang sikat na delivery app service, nitong bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Kagaya ng ilang mga costumer, mukhang naranasan din ng aktres ang hindi pag-confirm ng app sa delivery na nais niyang gawin; marahil, dulot na rin ng mataas na demand lalo’t pagdiriwang na ng Pasko.

“Ang grab delivery ngayon parang chismis… walang gustong mag-confirm,” tweet ng aktress.

Marami naman ang mga nakarelate sa himutok ni  Lovi Poe at kani-kaniyang bigay ng mga hinaing at karanasan sa Grab.

“Kami nga po nacomplete ang order walang dumating, bawas din sa Grabpay… ayun reported pero walang action ang Grab.”

“Parang tricycle din ‘yan dati sila ang lalapit sa’yo pero dahil marami na silang pasahero lalampasan ka nila kahit kaway-kaway ka pa. That’s the reality. Demand and Supply lang ‘yan.”

“Kaya nga… kanina pa rin kami nagbo-book pero walang gustong mag-accept kakaloka!”

Isa namang Grab Rider ang agad na nagbigay ng komento hinggil sa paghihimutok ng ilang mga costumers. Ayon sa kanya, halos lahat ng kanyang mga kasamahang Grab rider ay umuwi at nasa kani-kanilang pamilya. Kaya naman kunti lamang silang tumatanggap ng mga orders.

“I’m a Grab rider. Halos po kasi lahat ng delivery rider ay nasa kanilang pamilya kaya po konti lang po ako ang nagrereceive ng delivery.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo