Alex Gonzaga Nangaroling sa Senado, Nakaipon ng Malaki?

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Muling kinatuwaan ng mga followers ni Alex Gonzaga ang kanyang ibinahaging vlog sa kanyang Youtube channel kung saan makikita ang pangangaroling niya sa Senado.

Labis namang natutuwa ang mga senador na sina Senators Robin Padilla, Raffy Tulfo, Loren Legarda, Jinggoy Estrada, Grace Poe, Bato Dela Rosa, Francis Tolentino, JV Ejercito, Bong Go at Mark Villar sa ginawang panghaharana ni Alex Gonzaga.

Binigyan din ng mga senador ng pamasko si Alex bilang reward sa kanyang pangangaroling sa Pasko. Ginamit naman ni Alex ang pera upang pambili ng mga regalo para sa mga nangangailangan. Base sa pagbibigay nila kay Alex mukhang labis silang nasiyahan sa gimmick nito.

“Thank you sa mga senators for letting me sing for them dahil dyan may mga natulungan tayo maging masaya ang pasko na ating mga kababayan. We all deserve a merry and joyful christmas,” pagbabahagi ni Alex.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo