Talbog sa Panga ni Nadine Lustre ang Tandem Nina Vice Ganda at Ivanna Alawi sa Takilya!

Miyerkules, Disyembre 28, 2022

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media ang pag-flex ng director ng pelikulang Deleter na si Mikhail Red ang pangunguna ng kanyang pelikula sa ilang mga major cinema ng bansa.

Bagama't hindi pa ipinapalabas ang opisyal na nangunguna sa Metro Manila Film Festival hinuha ng ilan na naungusan na ng Deleter ang nangunguna noon na Partners in Crime na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Ivanna Alawi sa direksyon ni Direk Cathy Molina-Garcia.

“Just got off an important call. Something is happening. Is it true that Deleter is now number 1 top seller in more major cinemas around the country? We sold out noontime slots, some screenings people are sitting on stairs?” halos hindi makapaniwalang tanong ng director.

Sa ilang mga inilabas na gross prediction sa pagbubukas ng Metro Manila Film Festival nitong December 25 sinasabing ang pelikulang pinagtambalan nina Vice Ganda at Ivanna Alawi ang siyang mangunguna sa ticket sales.

Kabilang din sa listahan ng mga tumatabong entry  ang “Deleter,” Labyu With An Accent,” at “Family Matters.”

“We hoped DELETER would do well but this is a big surprise for all of us! Thank you all for your support! Forever grateful. Still processing this,” dagdag pa ng director.

Samantala sa naganap na Gabi ng Parangal, nasungkit ng lead role ng pelikulang Deleter na si Nadine Lustre ang Best Actress award. Humakot naman ng apat na pangaral ang pelikulang “Deleter” kabilang ang “Best Sound, “Best Editing,” “Best Cinematography,” at “Best Visual Effects.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo