Skusta Clee Nag-celebrate ng Pasko Kasama si Ava Mendez!

Linggo, Disyembre 25, 2022

/ by Lovely


Naging maingay muli ang pangalan ngayon ng OPM rapper na si Skusta Clee dahil sa mga ibinahaging videos at larawan kasama ang baguhang sexy actress na si Ava Mendez.

Ibinahagi ni Skusta Clee sa kanyang social media account ang pagsalubong nila ng pasko. Kaagad ding napansin ng mga netizens na kasama ni Skusta Clee ang panibagong babaeng nalink sa kanya na si Ava Mendez.

Makikita pa sa isang larawan na tila hinahalikan ni Skusta Clee ang kanyang rumored girlfriend.

Samantala sa kanyang Instagram stories, ibinahagi naman ni Skusta Clee ang isang video kung saan makikitang binabati nila ni Ava Mendez ang isa't-isa ng 'Merry Christmas'.

Gayunpaman, wala pa ring inilalabas na official statement sina Skusta Clee at Ava Mendez hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon. Subalit, ayon sa ilang mga netizens na tila kumpirmado na ito dahil sa pagsasama nila ngayong Christmas salubong at sa mga sweet moments nilang ibinabahagi sa kani-kanilang social media accounts.

Matatandaang, naiugnay si Ava Mendez kay Skusta Clee matapos nitong i-flex ang lambingan nila ng rapper sa kanyang Instagram account.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo