Leni-Kiko Panauhing Pandangal sa Noche Buena ng Isang Pamilya!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


 Nagdala ng goodvibes sa para sa mga netizens ang paandar ng isang Twitter user kung saan ibinalandera nila ang kanilang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng Noche Buena.

Panauhing pandangal sina dating Bise Presidente at ngayo’y Angat-Buhay Chair Leni Robredo at ka-tandem nitong si dating Senador Kiko Pangilinan sa isang noche buena ng isang pamilyang “Kakampink.”

Ibinida ng isang Twitter user ang kanilang Noche Buena kung saan ang standee nina Leni at Kiko ay kasama nila sa kanilang pagsasalo-salo.

“Tuwang tuwa naman yung nanay ko sa special guest namin sa media noche,” anang tweet.

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento at reaction mula sa mga netizens. Mismo sina Leni Robredo at Kiko Pangilinan ay nagbigay ng reply sa nasabing tweet ng netizen.

“Merry Christmas po,” reply ni Leni.

“Salamat po sa pagpapaunlak kahit last minute invite po! Merry Christmas from our family to yours, Ma’am Leni!” pahayag naman ng netizen.

“Maraming salamat naman sa inyong paanyaya! Merry Christmas sa inyong lahat!!!!” pahayag naman ni Kiko Pangilinan matapos makarating sa kanya ang post ng netizen.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo