Alden Richards, Maari Daw Mag-Flop Sa Susunod na Taon!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


Naglabas ng hula si Mami Gloria Escoto sa ilang mga celebrities kabilang na ang Kapuso actor na si Alden Richards.

Ayon umano sa nababasa sa cards ni Mami Gloria kay Alden na ipinanganak noong January  2, 1992 maaring bumababa ang carreer nito at wala rin umanong lovelife. Subalit, magiging maayos naman ang negosyo nito.

“Sorry ha, sa lumabas na cards ni Alden, puwedeng mag-flop siya next year 2023.  Hindi niya lucky year next year.  Lucky siya noong mga nagdaang taon, so ito ang year na hindi para sa kanya, pero sa business naman ay okay siya pero career pababa. Wala ever, tungkol sa lovelife,” pagpapaliwanag ni Mami.

"Dahil walang lovelife, mas focus siya sa pera.  Parang may kinatatakutan siya na posibleng bumalik sa dati kaya trabaho lang siya ng trabaho.  Actually wala rin siyang napupusuan.”

Ayon din rito, matutuloy ang pelikula nila nina Alden at Bea Alonzo. Subalit, kung gagawin umano nila ito ngayong taon ay hindi ito masyadong hahakot ng mga manonood.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo