Karla Estrada, Agad Rumesbak sa Pahayag ng Basher na Problematic ang Kanilang Pamilya!

Linggo, Disyembre 18, 2022

/ by Lovely


 Hindi napigil ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ang kanyang sarili matapos mabasa ang ibinahaging tweet ng basher kung saan pinagkukumpara ang pamilya nila sa pamilya ni Donny Pangilinan.

Agad na nakarating kay Karla ang tweet ng isang basher kung saan sinabi nitong cheater si Daniel Padilla. Problematic at chaotic din umano  ang pamilya nito.

“Si DJ, cheater, si Donny, hindi. yung nanay ni DJ, problematic. yung nanay ni Donny, hindi. si DJ, chaotic yung fam. si Donny, complete and & happy family. gusto niyo talaga mag-compare? Okay,” tweet ng basher.

Hindi ito pinalampas ni Karla at agad na sinagot ang basher, tinanong niya ito kung saan nanggaling ang pagiging problematic at chaotic ng kanilang pamilya.

“Huh? Saan galing ang mega judgment na ito? Dito ka ba naninirahan sa pamamahay ko? at Akala mo alam mo lahat?!? Mag hunos dili ka huy . Maka problematic at chaotic ito?? hala inday pagtarong diha! Wag mandamay ng pamilya, panget yun,” agad na bwelta ni Karla.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo