Jessy Mendiola Niregaluhan ang Sarili ng isang Mamahaling Relo!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Sa latest vlog ng actress na si Jessy Mendiola ibinahagi niya na niregaluhan niya ang kanyang sarili ng isang mamahaling watch para sa kanyang ika-30 na kaarawan.

Ang mamahaling relo ay mula sa Genevan luxury watch manufacturer, Patek Philippe. 

Ayon kay Jessy, nais niyang bigyan ang sarili ng isang bagay na magsisilbing milestone para sa kanyang kaarawan at magandang investment na maaring gawing heirloom.

"Itong bagay na 'to, sobrang big deal siya for me. It's a milestone para sakin na makakuha ng ganitong gift for myself. It's a nice gift to give myself on my 30th birthday. Naisip ko lang din, ano bang pwedeng bagay na investment and also at the same time, pwede rin siya maging heirloom piece," pagpapaliwanag ni Jessy.

Samantala, labis na ikinamangha ng netizens ng malaman kung magkano ang halaga ng luxury watch ni Jessy. Sa website ng Chrono24, isa sa nangungunang marketplace para sa mga mamahaling relo, makikita na ang relo ni Jessy ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa Php 4,825,216. Sa The Hourglass, isang authorize retailer ng Patek Philippe, ang relo ay nakalista sa halagang SGD 68,600 o Php 2,820,202. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo