Barbie Imperial Nagbigay Na ng Dahilan kaya niya Sinugod si Debbie Garcia sa Bar!

Linggo, Disyembre 18, 2022

/ by Lovely


Matapos ang ilang linggong pananahimik ni Barbie Imperial sa isyung kinasasangkutan niya sa wakas ay nagbigay na ng pahayad ang aktres.

Matatandaang noong November ay lumabas ang balitang sinugod at kinalmot ni Barbie Imperial ang VivaMax sexy actress na si Debbie Garcia sa isang bar sa Quezon City. 

Agad naman itong nagsampa ng tatlong kaso laban kay Barbie Imperial subalit nananatiling tikom ang bibig ni Barbie hinggil rito.

Sa isang panayam kay Barbie, kasama sina Sean De Guzman at JC Santos para sa kanilang pelikula na A Cup of Flavor, nagbigay ng impormasyon ang akress sa kung ano ang dahilan kaya niya nagawa iyon kay Debbie.

Ayon kay Barbie, na-provoke lamang siya nung gabing 'yun kaya nasugod niya ito. May mas malalim din umano siyang dahilan kaya niya nagawa kay Debbie iyon.

Ilang ulit na umano itong may ginawang pagkakamali sa kanya na paulit-ulit naman niyang iniintindi, Subalit ng gabing iyon ay talagang hindi na niya napigilan ang kanyang sarili.

Samantala, nasa korte na umano ang kasong isinampa sa kanya ni Debbie. Subalit hanggang ngayon ay wala pa umano siyang natatanggap na subpoena o anumang balita mula sa kampo ng Vivamax artist.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo