Heaven Peralejo Very Proud sa Kanyang 'Performance' sa Pelikulang Nananahimik Ang Gabi!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Very proud at masaya ang Kapamilya star na si Heaven Peralejo sa kaniyang naging performance sa pelikulang 'Nanahimik Ang Gabi' kasama ang mga aktor na sina Ian Veneracion at Mon Confiado.

Ayon pa kay Heaven, hindi niya na-imagine na level up ang kaniyang magiging performance sa MMFF movie nang una niyang masilip ang teaser sa social media.

Ang Nanahimik Ang Gabi ay isa sa mga pelikulang entry sa 2022 Metro Manila Film Festival. Ito rin ang first ever movie ni Heaven sa MMFF.

"First time ko po nakita ang sarili ko na ganun, para akong ah, “Si Heaven ba talaga 'yan?’ Parang I didn't see myself doing it, parang I gave my all in this film and the one that you'll see in this film is another Heaven, so I am very excited for you to watch the whole film," pahayag ni Heaven.

Matatandaang mula pa nang ipinalabas ang trailer ng nasabing pelikula ay kapansin-pansin na ang paglevel up ng role ni Heaven. Tanong tuloy ng ilang mga netizens kung handa naba si Heaven sa iba pang mga sexy roles sa hinaharap.

Ayon kay Heaven, pinapahalagahan niya ang desisyon ng kanyang mga magulang hinggil sa mga roles na tinatanggap. Bagama't labis na pagpapasexy ang makikita sa mga eksena ni Heaven, ipinagdidiinan niyang malaki ang ibinibigay niyang respeto sa mga kasamahan niya sa pelikula.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo