Francine Diaz Binabatikos Dahil sa Pagpopromote sa Pelikula ni Toni Gonzaga!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Kinakaharap ngayon ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz ang matinding pambabatikos ng ilang netizens dahil sa pagpopromote nito sa pelikulang My Teacher na pinagbibidahan ni Toni Gonzaga kasama si Joey De Leon.

Sa muling pagbubukas ng Metro Manila Film Festival nitong kapaskuhan, makikitang nangunguna pa rin sa takilya ang mga pelikulang pinagbibidahan ng ilang mga sikat na Kapamilya stars. Kagaya na lamang kina Ivana Alawi at Vice Ganda na bida sa pelikulang Partners in Crime, Nadine Lustre na bida naman sa pelikulang Deleter, Agot Isidro na kasama sa mga lead roles sa pelikulang Family Matters.

Samantala, umaani naman ng pambabatikos mula sa ilang mga netizens ang pelikulang pinangungunahan ni Toni Gonzaga kasama si Joey De Leon na My Teacher, dahil tila hindi umano ito humakot ng mga manonood at sinabing flop.

Maging ang young actress na si Francine Diaz ay pinag-iinitan na rin ng ilang mga bashers matapos nitong i-promote ang pelikula.

May ilang mga netizens ang hindi nagustuhan ang pagpo-promote na ginawa ni Francine sa pelikula ni Toni Gonzaga na tinatawag ng ilang mga Kakampink at pinagkumpara pa sila ng dating kaibigan na si Andrea Brillantes.

Tila hindi naman nakapagtimpi ang ilang mga fans ng aktress at kaagad itong ipinagtanggol. Pinupunto nilang walang ginawang mali si Francine at nagpromote lamang ng pelikulang Pilipino.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo