Show Ni Jake Zyrus sa Amerika Dalawa Lang Ang Nagbayad!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Muling naging laman ng usapan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika sa Showbiz Now Na ang naganap na show ni Jake Zyrus sa Amerika.

Nauna nang isiniwalat nina Cristy Fermin na hindi naging matagumpay ang show ni Jake Zyrus dahil mas gusto ng mga manonood ang dating timbre ng boses nito nang siya ay hindi pa nagbago ng katauhan.

Ayon pa sa kanila ay hindi man lang nangalahati sa tao ang venue dahil nasa 200 katao lamang ang naroroon samantalang nasa 700 katao ang capacity ng lugar.

Sa latest episode ng kanilang vlog, nilinaw nilang dalawang tao lamang ang nagbayad para sa show ni Jake. Kaya sobrang flop nito.

"Eto na kumapit kayo... Dalawa lang po ang nagbayad ng show na 'yun tapos yung mga taong iilan, pina-forward nalang para magkaroon ng maraming tao kunwari," pagbabahagi ni Romel Chika.

"At pinapasok nalang daw po ang mga nasa labas ng casinó," dagdag naman ni Cristy Fermin.

Matatandaang naging mainit rin na paksa sa kanilang usapan ang umano'y pagtanggi ni David Foster kay Jake Zyrus. Gayung ito ang nagdala kay Charice Pempengco noon sa mga international stage.

Tila nagpapatunay lamang ito na mas marami ang tumangkilik at mas nagustuhan ang dating boses ni Charice Pempengco na kayang abutin ang mga matataas na nota.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo