Angel Locsin Pinatunayang Stay Strong Pa rin Sila ni Niel Arce!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


Matapos ang ilang buwang pananahimik sa social media, nagbigay ng pagbati ang actress na si Angel Locsin para sa kapaskuhan.

Kalakip ng kanyang mensahe ng pagbati ay ang larawan nilang mag-asawa sa tabi ng kanilang Christmas tree.

Matatandaang, nagdulot pa ng intriga ang pananahimik ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce sa kani-kanilang social media. Nag-iisip ang ilang mga marites na baka ay may matinding pinagdadaanan ang mag-asawa kaya biglaang nanahimik.

Maging sa pagsalanta ng bagyo ay hindi nakita ang pagtulong ni Angel na labis na pinagtakhan ng ilan.

Kaagad naman naglabas ng statement si Neil at sinabing maayos silang mag-asawa.

Ngayong pasko ay tila si Angel na mismo ang nagpapahayag na nananatiling matatag ang kanilang samahan ni Niel at walang dapat na ikabahala ang kanilang mga tagahanga.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo