Kylie Padilla Kinilig sa Papasko Ni Aljur Abrenica!

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


 Inaabangan ng mga tagahanga ng estranged husband and wife na Aljur Abrenica at Kylie Padilla dahil sa ipinangakong surpresa ng aktor para kay Kylie.

Matatandaang, ayon kay Aljur ay hindi niya isinasara ang  posibilidad na maari pa silang magbalikan ni Kylie. Bagama't hindi naman niya ipinunto kung may pagmamahal pa ba siyang nararamdaman para kay Kylie sinabi naman niyang malaki ang hawak na parte ni Kylie para sa kanyang buhay.

Pahayag pa noon ni Kylie na kailanman ay hindi mawawala si Kylie sa kanyang buhay lalo na't matagal din silang nagsama ni Kylie bilang magkarelasyon.

Ipinagdiinan din ni Aljur na very proud siya kay Kylie bilang isang ina sa kanilang dalawang anak. Very hands on din umano ito sa pag-aalaga ng mga bata. Makikita din ang umano sa ugali ng kanyang mga anak dahil ang babait ng mga bata.

Bagama't hindi na sila nagsasama, alam umano ni Aljur na pareho silang nago-grow ni Kylie.

Samantala, naging masaya naman ang pagdiriwang ni Aljur ng kapaskuhan dahil nakasama niya kahit sandali ang kanilang mga anak ni Kylie. Itinuloy din nito ang ipinangakong surpresa para kay Kylie at sa mga anak nila.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo