Vice Ganda Magla-lie Low Daw Next Year?

Lunes, Disyembre 26, 2022

/ by Lovely


Karugtung ng pagbibigay ng hula ni Mami Gloria Escoto sa ilang mga sikat na personalities kagaya nina Regine Velasquez at Alden Richards, ibinahagi din niya kay Romel Chika ang kanyang nakikita at nababasa sa cards ni Vice Ganda.

“Next, Vice Ganda, March 31, 1976,” tanong ni Romel kay Mami Gloria.

Sagot naman ni Mami Gloria na dadaan sa isang depression si Vice Ganda kaya matitigil ito sa pagiging host sa It's Showtime. Magkakaproblema umano si Vice sa kanyang love life dahil sa pagseselos.

Gayunpaman, sinabi ni Mami Gloria na magiging maayos pa rin ang Showtime sa kabila ng pagkakaroon ng mababang ratings.

“Para kay Ms. Vice, medyo dadaan siya sa depression kasi parang naguguluhan siya sa mga nangyayari sa paligid niya na parang hindi niya maintindihan ang feelings niya, mixed emotions,” paliwanag ni Mamu.

Hindi naman umano dahil sa bumababang career ni Vice ang dahilan kaya siya madedepress.

"Hindi successful siya next year, ingatan niya siguro ang relasyon nila ni Ion Perez kasi doon sila puwedeng magkaroon ng problema maaaring may pagseselosan si Vice.  So, ang magiging problema ni Vice next year lovelife.”

At may posibilidad na mag lie low si Vice next year dahil sa kanyang lovelife. Subalit magiging okay pa rin naman umano ang Showtime kahit mababa ang ratings ay inilalaban.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo