Xian Gaza Nagreact Sa Halloween Costume Ni Barbie Imperial: 'Baka Ma-Fall Ako Sayo!'

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


Marami sa mga tagahanga ng actress na si Barbie Imperial ang namangha at humanga sa kanyang ibinahaging larawan ng kanyang Halloween costume sa kanyang Instagram account.

"Bride of Chucky for tonight’s halloween party," caption ni Barbie Imperial sa kanyang larawan.

Matapos ang ilang sandali mula ng ibahagi ito ng aktres, nagpost si Xian sa kanyang Facebook account ng reaction sa photo ni Barbie. Tinag nito ang aktres at sinabing, "halloween costume mo yan? Nakakatakot naman... baka ma-fall ako sayo."

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Ayon sa ilan, tila may paparating na namang billboard si Barbie Imperial mula kay Xian.

Nauna ng sinabi ni Barbie sa isang video na para sa kanya boyfriend material si Xian Gaza basta ba'y hindi siya kinakalaban nito.

Matatandaang ilang beses na ring tinampok ni Xian Gaza sa kanyang Facebook post ang aktres na si Barbie Imperial.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo