Actor-Singer Lee Ji Han Kabilang Sa Mga Nasawi Sa Itaewon Stampede!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


Kinumpirma mismo ng talent agency na 935 Entertainment ng Korean actor- singer Lee Ji Han na kabilang ito sa mga nasawi sa naging trahedya sa Itaewon, South Korea.

Naunang lumabas ang balita ng mag post ang dating kasamahan nito sa Produce 101 season 2 na kabilang ang aktor sa mga taong nasawi sa stampede.

Ayon sa kanilang post, “Ji Han has left this world and gone to a comfortable place. We ask you to bid him farewell on his final journey.”

Kinumpirma naman ito ng 935 Entertainment ang agency ni Lee Ji Han. Ayon sa statement mula sa kanilang representative, “It is true that Lee Ji Han passed away due to the accident in Itaewon on October 29. We also hoped it wasn’t true and we were very surprised to hear the news. The family is going through immense pain right now so we are being very cautious. May he rest in peace.”

Samantala, ayon sa report ni Kuya Kim na naroon sa Itaewon nung mangyari ang stampede. Crowd crush ang dahilan ng stampede. Nagsisikan ang mga tao sa isang maliit na eskina hanggang sa hindi na makagalaw at nadadaganan na ang nasa unahan.

Ayon sa report nasa 153 ang kumpirmadong nasawi habang nasa 133 ang mga sugatan sa nasabing crowd crush stampede.

Samantala, ililibing ang aktor na si Lee Ji Han ngayong araw Nov. 1, 2022.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo